© Theme
by ubhie
RF: Madalas ang first impression nila sa’kin ay suplada raw ako

walkingdictionarii:

what’s wrong with my eyes??? Ang taray ko raw minsan kung makatingin e.. haha. tsaka matapobre raw ako. uy di kaya! ang bait bait ko tsaka friendly e. Kaya madalas yung mga taong sianasbing suplada ako kapag naging kaibigan ko na sila,nabubura yun. :D 

June 22, 2012 • 7 Enchanted • reblog →
MGA DAHILAN KUNG BAKIT AKO MASAYA:

diakoperpekto:

  • buo ang aming pamilya
  • mga kaibigang totoo
  • magandang buhay
  • good grades
  • kapatid na nagpapasaya sa aming pamilya
  • boyfriend na mapagmahal
  • kuntento ako
  • kuntento ako
  • kuntento ako

higit sa lahat:

  • nariyan SIYA palagi sa tabi ko(si HESUS)
June 22, 2012 • 2 Speak now • reblog →
Ako bilang GIRLFRIEND…

April 28, 2012 • 3 Enchanted • reblog →
RF: Never pa akong nakaattend ng mga meet-ups

Kahit man gustuhin ko e ang layo ko e!!! :/ 

/wrist ////laslas

tag-Ilocos Sur kaya ako. Ang layo sa Manila. :( Nakakaingget tuloy mga tumblrstang nagkikita. Mga tumblrstang nameet na nila yung mga dream followers nila. Yung mga tumblrstang nameet na yung mga nakilala nilang kaibgan dito sa tumblr. Ang saya-saya nila samantalang ako,forever alone. Wala akong magawa. Meet up na lang tayo dito sa Ilocos. haha. Sana makadalo din ako sa mga meet ups. 

April 22, 2012 • 1 Speak now • reblog →

Marie Louise F. Lardizabal

Eto ako physically. Maraming nagsasabi na ang arte ko raw. Hindi ako marunong tumulong sa gawing-bahay. Wala akong alam sa paglilinis at kung anu-ano pang bagay. Pero mali sila. Hindi porket nakatira na ako sa isang magandang bahay,di dahil sa maputi ako at makinis ang kutis ko,di dahil sa maganda na ang buhay ko ibig sabihin na wala na akong alam at ang arte ko. Di nila alam na marami akong kayang gawin.

kaya kapag pumupunta dito sa bahay mga classmates ko,nagugulat na lang sila na Ay ganito ka pala dito,di ko inaasahang gingawa mo to ang nasasabi nila. I’m proud to be myself. :)

April 10, 2012 • 2 Enchanted • reblog →
RF: Mas close kami ni papa pagdating sa biruan

haha. Bakit? Eh kung makapagbiro siya wagas! Kung mang-asar wagas din. Joker si papa e. Sa 4 na magkakapatid,siya yung pinakamasayahin at light ang mood. Easy to deal with at saka mapagbiro talaga. May sense of humor. Kaya kapag kami ay nagbiruan,nakakaloka. Sasakit tiyan mo sa kakatawa. Kung mang-aasar go lang naman ako. Pero ang ayoko sa kanya,pikon siya! hahah. Magaling siyang magbiro at mang-asar pero siya yung tipo ng tao na kapag biniro na namin at inasar,talo siya. haha. kaya mahal na mahal ko si papa e. :D Asar talo pero kahit ganun,mas gusto ko pa rin siya kabiruan.

January 22, 2012 • 1 Speak now • reblog →
RF: mayaman ako sa papel

haha. sa school kasi madalas kapag nagte-take down ako ng notes e sa papel ko sinusulat. Tapos after a week,tignan mo ang bag ko,marami kang papel na makikita. Nasa notebook,libro,o sa bulsa ng bag ko. XD 

January 17, 2012 • 3 Enchanted • reblog →
RF: Nauubos pera ko dahil sa pagkain

XD matakaw ako e pero hindi naman ako tumataba. :/ Pagdating ng bahay bumibili ako ng fishball,o kaya kahit na anung meron sa store na magugustuhan ko. Pera ko pinambibili ko. After class naman,kasama ko minsan mga kaibigan ko na nagfufoodtrip. EVeryweekend ganun pa rin. Kaya minsan kokonti lang ang naiipon ko. Hahaha. Sana naman tumaba ako.

January 14, 2012 • 2 Speak now • reblog →
RF: I am a professional procrastinator

lels. haha. palagi yan e. kapag tinatamad akong gawin ang isang bagay,ugali kong sabihin yung mamaya na lang madali lang yan o di kaya pinagpapabukas ko na rin. Kaya minsan nagkakaroon ako ng problema e.

eto ang gusto kong maalis na ugali ko para naman umasenso ako,

January 8, 2012 • 2 Enchanted • reblog →
RF: Hindi pa ako nagkaroon ng anon haters

at ayokong magkaroon neto. XD

January 8, 2012 • 6 Speak now • reblog →
RF: Napapagalitan muna ako bago ako sumunod sa utos ng mga magulang ko

leshe. e ganun ako kapag sinumpong ako ng katamaran. Kaya minsan tamad talaga ako. Tapos ako pa yung maiinis kapag napagalitan na. Tenegene. Parang baliw lang.

January 8, 2012 • reblog →
isa sa pinakakina-iinisan ko kapag New Year….

yung sabay-sabay na nagpapatugtog ang kapitbahay tapos ang lalakas pa at hindi ko type mga kanta na pinapatugtog nila. Meron pa nga kanina e sabay-sabay yung mga kumakanta. sila na may videoke. Jusko! nakakarindi. ang sakit lang sa tenga.

December 31, 2011 • 3 Speak now • reblog →
RF: Ang madalas kong tinitignan sa mga boys ay yung kuko nila

kung malinis-check! kung marumi naman-turn off na yun. :D

December 23, 2011 • 1 Enchanted • reblog →
RF: Marunong akong magluto. :)

kahit ano basta ba kaya ko. Kung d ko man alam pwes pag-aaralan ko. :D

I can catch your heart through your stomach. lels

December 21, 2011 • 2 Speak now • reblog →
RF: Madalas ang first impression nila sa’kin ay suplada raw ako

diakoperpekto:

what’s wrong with my eyes??? Ang taray ko raw minsan kung makatingin e.. haha. tsaka matapobre raw ako. uy di kaya! ang bait bait ko tsaka friendly e. Kaya madalas yung mga taong sianasbing suplada ako kapag naging kaibigan ko na sila,nabubura yun. :D 

December 21, 2011 • 7 Enchanted • reblog →
next