© Theme
by ubhie

at dahil nakaluwang na ‘ko sa mga requirements na yan. tumblr muna saglit. :D
nakakamiss magblog. :”>

kmusta?? 

December 11, 2012 • reblog →
pag mali at wala palang katotohanan ang source mo kung may exam o wala,rely on STOCK KNOWLEDGE

August 16, 2012 • reblog →
nakakasawa na talaga magkaroon ng group projects

Naturingan GROUP pero ano? Iisa o dadalawa lang ang nagtatrabaho. Yung iba ang ganda ng buhay nila. Relax lang. Papetiks petiks lang.Sabit lang sila sa grado. Hindi na sila nahiya. Hindi man lang nila paghirapan ang grado nila. Nakakapasa sila dahil umaasa sila sa mga LEADERS at iba pang classmates. 

Kung ako lang ang papipiliin,mas gugustuhin ko na ang individual projects kahit mahirapan na ako at least walang nakikisabit sa grado ko. Mas tahimik pa ang buhay ko. Hirap kasi ngayon sakit na ng karamihan ang katamaran. 

August 2, 2012 • 1 Enchanted • reblog →
nalalapit na naman ang periodical exam

hayyy. Pahirapan na naman. pero TIME MANGEMENT LANG YAN. >.< 

July 21, 2012 • 2 Speak now • reblog →
FACT: MAHIRAP MAGING CLASS OFFICER

July 16, 2012 • 2 Enchanted • reblog →
that moment na sa sigaw at sermon na lang ng class officers napapatahimik at magseseryoso ang klase




Grabeh na talaga ang kabataan ngayon. Sobra na! Wala ng disiplina ang karamihan. Ang kakapal na ng mga mukha! Wala ng pakialam yung iba. Ewan ko kung anu ng problema ngayon,kung bakit ganito na ang ugali ng karamihan.

Kanina kasi sa classroom,hindi na nakuha sa isang salita ang buong klase. Puro pasaway lahat tapos ang iingay pa. Nageensayo kami para sa nalalapit ng culminating activity ng nutrition month pero walang nagseseryoso. Ginagawang biro ang lahat ng bagay. Hayyy. Naturingan kaming SENIORS/MGA ATE AT KUYA pero ang asta… .parang mga bata pa rin. Sa kalagitnaan ng practice badtrip na lahat ng class officers pati nga rin adviser e. Kailangan pang sumigaw ng isa o dalawa sa class officers bago manahimik ang lahat to the point na magsilabasan na ang mga ugat sa lalamunan. >.< Hayyyy. 

Nakakasura lang! Wish ko lang sa section namin e mabago na yung asal ng karamihan na astang mga bata na kailangan pang mapagalitan at masigawan. Sana mgakaroon ng unity at cooperation sa’min. 

July 16, 2012 • 3 Speak now • reblog →
Mathematics was easy not until Letters and formulas were formulated.

July 13, 2012 • 2 Enchanted • reblog →
MATHEMATICS,bakit pinasasakit mo ang ulo ko??

being a treasurer….

ok,so eto na ang 3rd time kong maging treasurer. Una nung grade 6 pa lang ako(officer ng buong elem),second year, and now as a 4th year student. Woohoo!! Lahat na lang ng ayokong position e yun ang napupunta sa’kin. So I sat down to reflect. Sabi ko kay Lord, “Lord kaya ba hindi ako nanalo noong SC(Student Council) Election ay dahil gusto mong magsimula ako dito sa baba? Alam kong may better plan ka para sa’kin. at kung ito man ang position ko ngayon,tatanggapin ko at gagawin ko para Sa’yo.”

 Thankful pa rin ako kasi mas mahirap kung nasa mas mataas kang position. Thankful ako sa mga ngvote sa’kin dahil alam kong may tiwala sila sa’kin na maging treasurer nila kahit mahirap ang trabaho na marami kang hinahawakang pera. Collect dito,collect doon. Bigay niyo sa treasurer niyo etc etc etc… Gagawin ko ang best ko hindi lang as TREASURER kundi as a leader. Kaya ko ‘to. Lahat,kakayanin ko. Gagawin ko ang responsibilidad ko. :)

June 28, 2012 • 1 Enchanted • reblog →

REALITY:

June 26, 2012 • 4 Speak now • reblog →
weekend na nga lang ang dami-dami mo pang pinoproblema
June 24, 2012 • reblog →
sa panahon ngayon,BAWAL NA ANG TAMAD

Mahirap na yung natatambakan ka ng projects,assignments—in short,REQUIREMENTS. Paano ka rin aasenso kung tatamad-tamad ka? Paano mo makukuha ang gusto mo kung wala kang ginagawa? Kung gusto nating maging matagumpay,magsikap tayo, mag-aral tayo ng mabuti. Dahil kung sakit mo na ang KATAM,ikaw rin ang maghihirap sa huli.

June 21, 2012 • 1 Speak now • reblog →
second day pa lang ng klase Class Officers na ang pinoproblema
June 14, 2012 • 1 Enchanted • reblog →
FIRST DAY ko

Nakakatamad pumasok kasi ang lakas-lakas ng ulan. Lam niyo yun. Mas masarap matulog pag ganun e. Ang lamig-lamig pa. Well no choice dahil kailangan ng pumasok. Bawal na ang tatamad-tamad. Tinext ko pa nga si Princess yung bestfriend ko na wag na kaming pumasok. Hahaha. Pero syempre biro lang yun. Pagdating sa school e d syempre tititgnan muna namin yung pangalan namin kung sa anong section ba kami. Bagsak balikat lang kasi nashuffle na naman kami. Pero ayos lang naman. Sa section namin ok lang. :”> at least classmate ko pa rin ilan sa mga friends ko. hayyy. nakakabore lang ang araw na ‘to. As usual orientation na naman. >.< Nakakantok kaya. Well hopefully,makasundo ko mga classmates ko at pati na rin yung adviser namin.

hai nga pala kay Anne(utakgoogle). :P Wag kang mag-alala. Hindi ka forever alone. :D

June 13, 2012 • 4 Speak now • reblog →
3days na lang at pasukan na namin

Kamusta naman ang 1st week niyo? :”>
Gusto ko ng pumasok na parang ayoko. GULO!!! Hahaha. Lam niyo yun?

gusto ko ng pumasok kasi

ayoko pa kasi

hahah. ang gulo ko!! Basta yun na yun.

June 9, 2012 • 2 Enchanted • reblog →
next